Reading Time: 1 minute

Naisapinal na ng korte sa Los Angeles ang divorce case na ng mag-asawang Brad Pitt at Angelina Jolie.

Nangangahulugan nito na single muli ang 43-anyos na actress at 55-anyos na actor.

Sinabi ng abogado ng actress na si Samantha Bley DeJean na naayos na rin ang kustodiya ng kaniyang mga anak.

Hindi na isinawalat pa nito ang mga detalye ng nasabing child custody.

May anim na anak ang dalawa na sina Maddox, 17, Pax, 15, Zahara, 14, Shilioh 12 at ang 10-anyos na kambal na sina Knox at Vivienne.

Magugunitang noong Setyembre 2016 ng ihain ang nasabing divorce ng dalawa.