Nagtapat ang award winning Hollywood actor na si Brad Pitt tungkol sa kanyang laban sa adiksyon sa alak at ang kanyang paglalakbay patungo sa mabigat na pagka-lugmok dahilan para makagawa umano ng maling desisyon.
Ang naturang mga pagbabahagi ay ginawa ng ni Brad Pitt matapos ang kanyang pagbisita “Armchair Expert” podcast na pinapalakad ni Dax Shepard, isang kapwa Alcoholics Anonymous (AA) attendee.
Habang nagpo-promote ng kanyang bagong action film na “F1”, ibinahagi ni Brad Pitt ang karanasan sa kanyang AA meetings, kung saan nakatagpo siya ng mga kalalakihang may katulad na pinagdadaanan sa buhay.
Ayon kay Shepard, nung unang dumating si Pitt sa mga meetings, nag-aalala siya kung paano magiging tapat ang A-list actor sa kanilang grupo, ngunit pinatunayan ni Pitt na kaya niyang maging bukas at tapat tungkol sa kanyang mga karanasan sa adiksyon sa alak.
Sinabi ni Pitt, “I was pretty much on my back, on my knees. I was really open, I was really trying anything anyone can throw at me. It was a particularly difficult time. I needed rebooting, I needed to wake the f— up in some areas.”
Dagdag pa nito na marami siyang natutunan sa pagiging bukas sa mga taong may mga kahalintulad na kwento, at ipinagpapasalamat niya ang pagiging tapat ng iba na naging inspirasyon sa kanya.
Ayon pa kay Pitt, ang athmosphere sa mga meeting ay nakakatulong umano upang maging bukas ang mga tao sa kanilang kahinaan. “It gives you permission… to go, ‘Okay, I’m gonna step out on this edge and see what happens.’ And then I just really grew to love it,” aniya.
Tinanong naman ni Monica Padman, co-host ni Shepard, si Pitt kung iniisip niya na maaaring pag-usapan siya ng mga ito tungkol sa kanya. Sagot ni Pitt, “It’s been assured that it was a safe place. I’m a stubborn f— but I’m pretty good at taking responsibility of owning up to it. And now it’s a quest to be better, to step up.”
Bago ito, unang inamin ni Pitt ang kanyang pagkakaroon ng problema sa alak noong 2019 sa isang interview sa pahayagan.
Samantala, sa kanyang bagong pelikula, “F1”, ginampanan ni Brad Pitt ang karakter ni Sonny Hayes, isang Formula One driver na sinusubukang makabangon mula sa isang pagkatalo at muling mangibabaw sa kanyang pangarap sa racing. Ayon pa kay Pitt, “The forces in these cars – the high-speed corners – the physics of it all want to rip your head from your shoulders.”
Ang pelikula, na dinirek ni Joseph Kosinski at co-produced ni Jerry Bruckheimer, ay isang high-energy, heartwarming na kuwento tungkol sa racing at ang mga pagsubok ng isang piloto.