-- Advertisements --

Kinumpirma na ni Hollywood star Jennifer Aniston ang pakikipagrelasyon nito sa nobyong si Jim Curtis.

Sa kaniyang social media ay ibinahagi nito ang larawan nilang dalawa kung saan nagdiwang ng kaarawan ang nobyo.

Noon pang nakaraang mga buwan ay usap-usapan ang relasyon ng dalawa subalit walang nagkukumpirma sa bawat isa.

Nakita pang dumalo si Curtis sa paglunsad ng bagong show ng actress.

Si Curtis ay kilalang mental health guru kung saan nagbibigay ito ng payo sa kaniyang social media.

Mayroon itong mahigit 700,000 na followers sa kaniyang social media account.

Taong 2005 ng nagkahiwalay ang actress sa dating nobyo na si Brad Pitt.

Muli itong ikinasal kay Justin Theroux noong Agosto 2015 at sila ay naghiwalay din noong 2018.

Maraming mga kapwa celebrities nito ang bumati sa aktress matapos ang kumpirmasyon sa bagong relasyon nito.