-- Advertisements --
Naaresto ng mga otoridad ang mga suspek na pumasok sa bahay ng Hollywood actor na si Brad Pitt sa Los Angeles.
Ayon sa Los Angeles Police District (LAPD) na nagsagawa sila ng matinding follow up mula ng maiulat ang pagpasok sa bahay ng actor noon pang buwan ng Hunyo.
Mayroong tatlong katao na silang hawak kung saan natunton ang mga ito sa pamamagitan ng fingerprints mula sa crime scene.
Magugunitang wala sa kaniyang bahay ang actor ng mangyari ang insidente dahil ito ay nasa Japan para sa promosyon ng kaniyang pelikula.