-- Advertisements --
Pumanaw na ang kilalang director na si James Burrows sa edad na 85.
Kinumpirma nito ng kaniyang pamilya subalit hindi na binanggit pa ang sanhi ng kamatayan nito.
Nasa mahigit 50 taon nagtagal ang kaniyang career kung saan nagwagi ito ng 11 Emmy Awards at limang Directors Guild of America Awards.
Kilala siya bilang co-creator ng “Cheers” na nakagawa ng mahigit 1,000 episodes at ilang TV comedy classics gaya ng “Friends”, “Big Bang Theory” at “Will and Grace”.
Isinilang sa Los Angeles noong 1940 kung saan lumaki siya sa New York.
Dumalo siya sa graduate programme ng Yale School of Drama at doon nagkaroon ng unang karanasan sa paggaw ng pelikula.
















