-- Advertisements --

Ibinebenta na ni Hollywood actor Brad Pitt ang bahay nito sa Los Angeles.

Ang nasabing desisyon ay kasunod ng pagpasok ng ilang magnanakaw noong nakaraang mga buwan.

Ayon sa real estate na ang Los Feliz property ay mayroong tatlong kuwarto at dalawang banyo.

Nabili ng actor ang bahay noong 2023 kay Aileen Getty sa halagang $5.5 milyon.

Habang unang nabili ni Getty ito kay James Valentine ng bandang Maroon 5 noong 2019.

Noong nakaraang mga linggo ay nakabili rin ang actor ng bahay sa Los Angeles sa halagang $12 milyon mula sa gitarista ng bandang The Killers na si Dave Keuning.