-- Advertisements --

Mas marami pa umanong mga Pilipino ang bumibili ng virgin coconut oil (VCO) sa kabila ng nararanasang coronavirus panedmic ng bansa.

Ayon sa isang distributor ng VCO, may mga dealers daw sila na nagbebenta na rin online at palaging tumatawag para damihan pa ang kanilang orders ng tinaguriang “superfood” sa bansa.

Inaasahan aniya nila na tataas pa ang demand sa VCO sa mga paparating na araw at linggo.

Kasunod na rin ito ng natuklasan sa pag-aaral ng Department of Science and Technology (DOST) na kayang pahinain ng VCO ang sintomas ng COVID-19 sa mga suspected at probable cases.

Imbes daw kasi na mag export pa ng mga ganitong produkto ay maaari namang dagdagan na lamang ng mga kumpanya ang kanilang produksyon upang makapag-focus sa local market.

Samantala, tiniyak naman ng Philippine Coconut Authority (PCA) na nakahanda ang coconut industry ng Pilipinas na doblehin ang supply ng VCO sa merkado.

Sinabi ni PCA Market Research and Promotions chief Rosella Villaruel, pwedeng magdagdag ng additional facilities o additional lines sa oras na magkaroon ng napakalaking demand sa VCO.

Dagdag pa ni Villaruel, ang PCA at iba pang ahensya ng gobyerno na nagbibigay ng tulong sa mga magsasaka ay mayroong existing programs para suportahan ang mga kanilang mga livelihood projects.