-- Advertisements --

Natapos na umano ng Department of Education (DepEd) ang pamamahagi ng printed learning materials para sa unang quarter kasunod ng pag-urong nila ng petsa ng pasukan sa Oktubre 5.

Una nang sinabi ng DepEd na kanilang inilipat ang pagbubukas ng school year dahil sa ipinatupad na mas mahigpit na lockdown sa Metro Manila na nakaabala sa paghahatid ng mga learning modules.

Ayon kay DepEd Usec. Jesus Mateo, kasalukuyan pa nilang ginagawa ang mga learning materials na nakalaan para sa ikalawa hanggang huling quarter ng pasukan.

Nagsasagawa din aniya sila ng beta testing sa ilang mga modalities tulad ng TV at radio broadcast.

Dagdag ni Mateo, tumatalima ang kagawaran sa ipinatutupad na guidelines ng Department of Health (DOH) sa pag-COVID test sa kanilang mga empleyado.