-- Advertisements --

Aabot pa sa P180 billion ang pondong maaaring gamitin ng executive department para sa pagbangon o rehabilitasyon ng mga lugar na naapektuhan sa nangyaring magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao, ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian.

Ang bagong Senate leader ay ang nagsilbing chairman ng Finance Committee na pangunahing bumusisi sa 2026 National Budget.

Ayon kay Gatchalian, itutulak niya ang mas mabilis na paglabas ng pondo mula sa executive department upang sa lalong madaling panahon ay agad makabangon ang mga biktima ng nangyaring lindol.

Mula sa P180 billion na ito, hanggang 18 billion aniya ang maaaring gamitin sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bilang risk reduction fund sa reconstruction effort.

Maaari aniyang magamit ito para sa rehabilitasyon o muling pagtatayo sa mga gusaling nasira sa malakas na pagyanig.

Giit ng bagong SP, mayroong sapat na pondo at ang kailangan lamang dito ay ang maagap o mabilis na paglabas nito para sa agarang rehabilitasyon.