Agad na ipigutos ni Philippine National Police (PNP) Acting Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na isailalim na sa dismissal proceedings ang mga pulis na nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga matapos ang naging targeted intelligence-driven drug test sa Leyte.
Ang mga pulis na nagpositibo ay pawang mga nasa ranggo ng Police Corporal na siyang miyembro ng Palompon Municipal Police Station.
Nagugat ang isinagawang targeted drug test matapos na makatanggap ng ulat ang at serye ng mga beripikasyon ang Team 8 ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG)-Visayas Field Unit na ang mga nasabing pulis at sangkot at naaktuhang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot noong Setyembre ng kasalukuyang taon.
Matapos na makitang nagpositibo ang mga pulis sa shabu, agad na naglabas ng matibay at malinaw na direktiba si Nartatez na sampahan ng m ga administratibong kaso ang mga sangkot nang naaayon sa mga umiiral na patakaran ng Pambansang Pulisya.
Aniya, labis ang kaniyang pagaalala kasabaya ang nito ang kaniyang hindi maitatagong disappointment sa mga pulis na sangkot sa insidente.
Binigyang diin din ni Nartatez na walang puwang sa PNP ang mga ganitong mga aktibidad bilang mga inaasahang mga tagapagpatupad ng mga batas.
Samantala, muli namang nagpaalala ang acting chief sa pulisya na mahigpit nilang kinokondena ang mga gawaing ito at titiyakin na hindi nila palalampasin ang mga sangkot na pulis sa ganitong klase ng mga aktibidad.
Sisiguruhin din aniya ng PNP na mananagot at haharap sa mga kaukulang consequences ang mga pulis na sumisira sa integridad ng kanilang himpilan.
















