-- Advertisements --

CEBU CITY – Isang discobar sa Cebu ang temporaryong ipinasara dahil sa paglabag sa health and safety protocols laban sa COVID-19 kagaya na lang sa social distancing.

Dahil ito sa nag-viral na video sa nakaraang linggo, kung saan makikitang sumasayaw at umiinom pa ang mga kustomer ng isang club and discobar na tinatawag na Clubholic Discobar sa Mango Avenue, lungsod ng Cebu.

Agad, ipinatawag ang may-ari ng club at humarap sa City Business Processing and Licensing Office (BPLO), mga kapulisan, at sa City Emergency Operations Center (EOC).

Ayon kay EOC head na si City Councilor Joel Garganera, kanilang pina-revoke ang license to serve liquor ng nasabing establisyemento.