-- Advertisements --

Nanindigan si Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno na mahalaga pa rin ang papel ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines (DBP) sa pagpopondo ng Maharlika Investment Fund.

Kasunod ito sa naging suhestiyon ni Foundation for Economic Freedom President Calixto Chikiamco na tanggalin na ang central bank, land bank at DBP bilang funding sources dahil maaari silang ma-expose sa single investment.

Kukunin na lamang ang pagpopondo mula sa privatization ng mga asset ng gobyerno.

Sinang-ayunan ni Diokno na ang pagpopondo ay maaaring mula sa privatizaiton ganun din sa mining revenues pero hindi maaari na tanggalin ang BSP, Land Bank at DBP.
Dagdag pa nito na ang nasabing mga suhestiyon ay hindi nakakatulong.

Nakasaad kasi sa Maharlika Investment Funds na pasado na sa Senado na ire-remit ng BSP ang 100% na kaniyang dividends o katumbas ng P100 bilyon sa sovereign wealth fund sa loob ng dalawang taon.

Habang mayroong dagdag na P150 bilyon ang manggagaling sa pagsasapribado ng mga assets ng gobyerno.