-- Advertisements --
Lalo pang lumakas ang bagyong Dindo, kahit nasa labas na ito ng Philippine area of responsibility (PAR).
Ayon sa Pagasa, huli itong namataan sa layong 555 km sa hilaga hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Taglay na ng bagyo ang lakas ng hangin na 100 kph at may pagbugsong 125 kph.
Kumikilos ito nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
Samantala, inaalerto na ng Pagasa ang mga residente sa Caraga at Davao regions dahil sa bagong low pressure area (LPA).
Huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 450 km sa timog silangan ng Davao City.
Sa ngayon, maliit pa ang tyansa nitong maging ganap na bagyo.
















