Pinirmahan na ng Department of Justice (DOJ) at Department of Interior and Local Government (DILG) ang Joint Memorandum Circular kaugnay sa paglabag sa health protocols.
Pinangunahan ito nina Sec. Eduardo Ano, Justice Secretary Menardo Guevarra, PNP Chief Gen. Guillermo ELeazar at iba pang mga opisyal ng dalawang ahensiya ng gobyerno.
Ayon kay Sec Ano ang nasabing JMC ay lalo pang mapalakas ang pagpapatupad ng minimum health and safety regulations.
Sa ilalim ng nasabing guidelines, nirerequire ng DILG ang mga LGUs at ang PNP na bumuo ng holding areas kung saan mananatili ang mga violators para hindi sila mapasama sa mga nakakulong na criminal at hindi maging sanhi ng overcrowding sa mga detention facilities.
Kapag ikukulong sa selda ang violator, paiiralin dito ang local ordinances.
Binigyang-diin ng kalihim mananagot din ang mga pasaway na mga officials kapag may nalabag health protocols sa kanilang mga lugar.
Inihayag din ng kalihim, ang mga mahuhuling quarantine violator na walang sintomas ay kanilang imomonitor at kung magpositibo ito sa Covid-19 virus ay dadalhin sa mga isolation facilities.
Sa kabilang dako, tiniyak naman ni PNP chief na susunod ang PNP sa guidelines na ito.
Inilabas naman ng PNP ang video kung paano kinompronta ni Eleazar ang pulis na pumatay sa 52 years old na lola sa Fairvew, Quezon City.
Makikita sa video na hindi napigilan ni PNP chief ang kaniyang galit.