-- Advertisements --
goitia
LIPI Secretary General Jose Antonio “Ka Pep” Goitia

Nadagdagan pa ang mga grupong nagsusulong ng Anti-Terror Bill ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Sa mensahe ng isang multi-sector group na Liga Independencia Pilipinas (LIPI), sinabi ni LIPI secretary general Jose Antonio “Ka Pep” Goitia malaking bagay ang panukala para mahinto na ang mga karahasan at pag-atake ng terrorist groups, lalo na sa ganitong panahon na may kumakalat na sakit.

Ayon kay Goitia, mismong si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Felimon Santos Jr. ang nagsabi kamakailan na habang nahaharap ang bansa sa pandemic, tuloy-tuloy naman ang paghahasik ng karahasan ng Abu Sayaf sa ilang parte ng ating bansa.

“The unwanted presence of ASG members in Metro Manila and the timely neutralization of government forces proves that terrorists groups knows no pandemic nor peoples suffering in the country or anywhere in the world,” wika ni Goitia.

Pahayag pa ng multi-sector group leader, na ang Anti-Terror Bill (ATB) ang nakikita nilang mahalaga at angkop na pampigil sa terrorist act ngayon.

Giit nito, karapatan ng mga Filipino na magkaroon ng kalayaan laban sa tyranny, oppression, karahasan, pagpatay sa mga inosente at pagtigil ng rebelyon, komonismo at Islamic extremists sa bansa.

Pagbabahagi pa nito na ang kanilang grupong LIPI ay isang patriotic coaltion na binubuo ng 48 national organizations nationwide ay nagtataguyod din ng mga layuning nakapaloob sa ATB, kaya lubos ang kanilang pagsuporta rito.

Sinang-ayunan din ni Goitia ang pahayag kamakailan ni Sen. Panfilo Lacson na kung may malinaw lang sanang batas laban sa terorismo ay napigilan sana ang Marawi siege.

“Had this measure been in effect earlier instead of the 2007 Human Security Act, the Marawi Siege could have been prevented. For one, a new feature under this bill is to make punishable inchoate offenses, something not present under the present Human Security Act of 2007,” wika ni Lacson.