-- Advertisements --

Hindi sinang-ayunan ng mga senador ang nais na emergency powers ni Health Sec. Francisco Duque III para kay Pangulong Rodrigo Duterte, para malinis at maisaayos ang PhilHealth.

Ayon kay Senate Pres. Tito Sotto, sapat naman ang batas para ayusin ang PhilHealth, basta gawin lang ng mga nakakasakop sa PhilHealth ang kanilang tungkulin.

Para naman kay Sen. Franklin Drilon, magagawa ang mga pagbabago sa PhilHealth kahit walang dagdag na kapangyarihan para sa pangulo.

“The President has vast power under the Constitution and existing laws to reorganize and solve corruption in PhilHealth. He appoints the members of the Board. He can file administrative and criminal cases against erring and corrupt officials. He can order the suspension or transfer of personnel in the entire executive,” wika ni Drilon.

Habang sa tingin ng iba pang senador, hindi raw emergency powers ang solusyon sa bawat problema ng bansa, dahil may mga kapangyarihan ang chief executive na hindi na kailangang dagdagan o baguhin para maipatupad ng angkop sa tinutugunang suliranin.