-- Advertisements --

Ginagawa ng gobyerno ang lahat ng kaniyang makakaya para tuluyang mapauwi ang mga Filipino na naiipit sa kaguluhan sa Israel.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega, na tuloy-tuloy ang kanilang ugnayan sa mga opisyal ng Israel at ilang mga kalapit na bansa gaya sa Egypt para sa ligtas na makauwi ang mga Pinoy.

Katuwang nila ang Department of Migrant Workers, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa pagpapauwi ng mga Filipino na naiipit sa nasabing kaguluhan.

Magugunitang dumating nitong Miyerkules ang nasa 16 na mga Filipino na galing sa Israel na ito aniya ay mga unang batch lamang.