-- Advertisements --

Nilinaw ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. na hindi hiniling ng Estados Unidos kay Pangulong Rodrigo Duterte na pagkaloob ng pardon si U.S. Marine Lance Corporal Joseph Pemberton.

Ayon kay Locsin, ikinagulat pa ni U.S. Ambassador to the Philippines Sung Kim ang desisyon ni Pangulong Duterte na bigyan ng absolute pardon ang convicted US serviceman na nakapatay kay Jeffrey “Jennifer” Laude.

Dagdag pa ni Lacsin, natapos na ang pagsasaayos sa mga dokumento kaugnay ng pardon kaya maaari nang makalaya ngayon si Pemberton.

Sa panig naman ng abogado ni Pemberton na si Atty. Rowena Garcia-Flores, sinabi nito sa Bombo Radyo na wala siyang isinumiteng apela sa tanggapan ng Pangulo, kaya nagulat sila sa iginawad na pardon.