Itinaas na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Alert Level 4 ang Gaza City ibig sabihin mandatory evacuation na para sa Filipino na nasa lugar.
Ang pagtaas sa Alert Level 4 sa Gaza City ay bunsod sa paghahanda ng Israel sa isang ground offensive laban sa mga militanteng Hamas sa Gaza, isang blockaded at militarisadong teritoryo ng Palestinian.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega ngayong nasa Alert Level 4 na ang Gaza mandatory na ang paglilikas sa mga Pilipino, gayunpaman hindi ito ibig sabihin na sila ay hahatakin palabas.
Dagdag pa ni De Vega nasa mga kababayan pa rin natin ang desisyon kung manatili sila sa lugar dahil gegerahin na ng Israel ang Gaza.
Nilinaw ni De Vega na sa sandaling lumala ang sitwasyon, mahirapan na ang gobyerno sila ay tulungan.
Sa ngayon nasa mahigit 100 Filipinos ang nasa southern Gaza at naghihintay na lamang para makatawid sa Egypt.