-- Advertisements --

Nagpahayag ng pagkaalarma sina Department of Foreign Affaris Secretary Teodoro Locsin Jr at Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pagsasagawa ng China ng war games sa South China Sea.

Sinabi ng defense chief na ang ginagawa ng China ay lalong magpapalala ng tension sa South China Sea.

Wala aniyang magiging problema sa mga war exercises basta ito ay gawin sa sariling bansa at hindi sa pinag-aagawang teritoryo.

Sa panig naman ni Locsin na noon pang June 27 ay nagpaalam na ang China na magsagawa ng military exercises sa pangunguna ng Chinese People’s Liberation Army sa South China Sea.

Dapat lang aniya na sundin ng China ang tamang lugar na napag-usapan at hindi na sila lumagpas pa sa lugar.