Isasapubliko ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang detalye ng kinalabasan ng kaniyang pagtungo sa Singapore nitong nagdaang weekend.
Sinabi nitong naging produktibo ang kaniyang byahe sa Singapore at may kinalaman dito ang ginawa niyang panghihikayat sa ilang investors para maglagak ng puhunan sa bansa.
Kaugnay nitoy idinagdag ng Pangulo na napaka-fulfilling na maimbitahan sa naganap na event nitong nakaraang linggo kasama ang ilan pang dignitaries at makaharap ang mga bagong business friends na pawang nagpahayag ng kahandaang mamuhunan sa Pilipinas.
Ibabahagi aniya ng Pangulo ang mga detalye nito sa mga susunod na pagkakataon.
“They say that playing golf is the best way to drum up business, but I say it’s Formula 1. What a productive weekend!
It was fulfilling to have been invited alongside several dignitaries and to have met new business friends who showed that they are ready and willing to invest in the Philippines. Will be sharing more details on this at a later time,” wika ng Pangulong Marcos.