-- Advertisements --
Pinalawig pa ng Department of Tourism (DOT) ang pagbibigay ng libreng accreditation sa mga tourism establishments.
Sinabi ni tourism Secretary Christina Garcia Frasco, na ang nasabing hakbang ay para matulungan ang mga tourism establishment na makabangon mula sa pananalasa ng COVID-19.
Nakasaad kasi sa Memorandum Circular ng DOT o ang Revised Interim Guidelines Governing Applications for Accreditation During The State of Calamity Due to COVID-19 ay nakapaloob sa Presidential Proclamation 57 ng 2022 na pinapalawig ang state of calamity ng bansa noong Disyembre 31, 2022.
Dagdag pa ng Kalihim na pinag-aaralan na nila ngayon ang muling pagbabalik na ng Star RAting at Premium Accreditation sa susunod na buwan.