-- Advertisements --
Patuloy ang panghihikayat ng Department of Tourism (DOT) sa mga mamamamayan na suportahan ang lokal na turismo sa bansa.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, na kada pagbiyahe ganun din ang pagbook ng mga flights, pagbiyahe sa mga barko at pagbook sa hotel ay nasusuportahan ang pamilya ng mga tourism workers.
Mayroong malaking tulong sa ekonomiya ng bansa ang pagtangkilik sa mga lokal na turismo sa bansa.
Bilang patunay pinapangunahan ng kalihim ang pag-iikot sa mga bansa lokal na turismo sa bansa para isulong ang pagtangkilik dito.