-- Advertisements --

Humingi ng tulong ang Department of Education (DepEd) sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa pagpapaigting ng seguridad kontra sa mga mapanganib na online content sa pagsisimula ng balik eskwela.

Partikular na tinukoy ni DepEd Sec. Leonor Briones ang access sa mga karahasan, at mahahalay na mga website na hindi angkop para sa mga bata.

Batid ni Briones na madali na itong ma-access sa ngayon kaya naman, hiniling nito sa DICT para ito ay maiwasan o tuluyang mapigilan.

Una nang nagpahayag ng pagkabahala ang mga kritiko na baka magamit ng mga bata ang libreng internet access sa kalokohan at gaming.