-- Advertisements --
Magsisimula sa buwan ng Hunyo ang pagpapaturok ng COVID-19 vaccine ng nasa 791,000 na mga teaching at non-teaching personnel.
Kasunod ito sa paglipat ng mga guro mula sa dating B1 ay naging A4 vaccine priority ng gobyerno.
Tinawag ni Department of Education (DepEd) Secretary na isang magandang balita ang nasabing paglipat na ng priority list ng mga guro.
Sa unang listahan ay mayroong 1.2 milyon na mga katao ang nakalista sa DepEd ay nabawasan ito dahil ang ilang mga senior citizens at yung mga comorbidities ay nabakunahan na ng mga kinabibilangan nilang Local Government Units.
Paglilinaw pa ng kalihim na wala ng ipapatupad na registration dahil may sariling listahan naman sila kung sino ang mabibigyan ng mga bakuna.










