-- Advertisements --

Nagbabala ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) ngayong Sabado, Agosto 8, matapos umakyat sa 9,096 barangay sa buong Pilipinas ang nanganganib sa mga landslide at baha.

Ito ay dulot ng walang humpay na pag-ulan mula sa Habagat at sa natirang epekto ng bagyong Maymay.

Ayon sa ulat ng MGB, narito ang bilang ng mga barangay na apektado sa mga pangunahing rehiyon mula Agosto 8 hanggang 11:

Region 1 (Ilocos Region): 2,933 barangay
Region 2 (Cagayan Valley): 47 barangay
Region 3 (Central Luzon): 1,997 barangay
Calabarzon: 1,806 barangay
National Capital Region (NCR): 1,403 barangay
Cordillera Administrative Region (CAR): 707 barangay
Mimaropa: 113 barangay

Mahalagang paalala naman sa publiko na agad iulat sa mga lokal na awtoridad kung may senyales ng pagguho ng lupa, bitak sa kalsada, o biglaang paglabo at pagtaas ng tubig sa mga kalapit na ilog o sapa.

Makinig sa utos ng mga lokal na pamahalaan (LGUs) lalo na kung may ipatutupad na preemptive evacuation sa mga bulubundukin at mabababang lugar.

Sa kasalukuyan, ayon sa Office of the Civil Defense (OCD), anim na katao na ang napaulat na nasawi dahil sa pinagsamang epekto ng hanging habagat at ng mga nagdaang bagyong Luis at Maymay.