Lubog pa rin sa baha ngayong Sabado, Agosto 22 ang 574 na lugar sa bansa dahil sa pinagsamang epekto ng mga bayong Luis, Maymay, Neneng at habagat.
Ayon sa Office of the Civil Defense (OCD), hindi bababa sa isang talampakan ang lalim ng tubig-baha.
Sa Central Luzon ang may pinakamaraming lugar na lubog pa rin sa baha na nasa 446. Ang rehiyon ang pinakasinalanta ng walang habas na pag-ulan sa mga nakalipas na linggo.
Sinundan ito ng Mimaropa na mayroong 42 lugar na nakararanas pa rin ng baha. Sa Ilocos Region, 35 lugar; Sa Western Visayas, 26 habang sa Calabarzon, 25 lugar.
Kaugnay nito, sinabi ng OCD na nakapagbigay na ang pamahalaan ng P1.1 bilyong halaga ng tulong sa mga apektadong komunidad.
Inihayag naman ni OCD information officer Diego Mariano na nakikipagtulungan na sila sa mga awtoridad para matugunan ang patuloy na pagbaha partikular na sa probinsiya ng Pampanga.
















