-- Advertisements --
Pinag-aaralan na ng Department of Education (DepEd) ang posibilidad na ibalik na sa buwan ng Hunyo hanggang Marso ang school calendar.
Ang nasabing hakbang ay dahil sa natapos ang pandemiya kung saan inilagay sa Agosto hanggang Hunyo ang nasabing pasukan ng mga mag-aaral.
Sa nasabing pagbabalik sa Hunyo na pasukan ay para maranasan ng mga guro at mag-aaral ang summer season.
Sa ginawang konsultasyon ng DepEd sa mga paaralan, guro, magulang at mga students leaders ay sang-ayon ang mga ito na ibalk sa Hunyo hanggang Marso ang pasukan.
Sinabi naman ni Assistant Secretary Francis Bringas ang DepEd Deputy Spokesperson na marami ang sumang-ayon subalit may ilang mga adjustments na maaring ito ay ipatupad sa school year 2025.