-- Advertisements --

NAGA CITY- Kahit pa nga nabanggit na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapaliban muna sa pagpapabalik eskwela ng mga estudyante, hindi parin naman umano titigil ang Department of Education (DepEd) sa paghahanda.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Schools Division Supt. Manny De Guzman, sinabi nito na labis na ang ginagawang mga pag-aaral ng nasabing mga ahensya sa mga pwedeng gawin sakaling matuloy parin ang pagbabalik klase ng mga estudyante sa buwan ng Agosto.

Ayon kay De Guzman, parte ng kanilang pinaghahandaan ang paghahati-hati ng mga estudyante para sa mga papasok mismo sa eskwelahan, at ang mga dadalo na lamang sa online classes o kaya naman ang pagkakaroon ng modules.

Sa kabila nito, nilinaw ni De Guzman na bukas naman umano sila sa mga posibleng ibababang kautusan ng national government.