-- Advertisements --

Isinusulong ng Department of Education (DepEd) na gawing institutional approach ang pagbabakuna kontra covid19 sa mga guro.

Ayon kay DepEd USec. Nepomuceno Malalluan na nakikiapg-uganayan na aniya sila sa National Vaccine Operations Center(NVOC) hinggil sa naturang usapin.

Giit naman ni Malaluan na kinikilala pa rin naman ng kagawaran ang geographic prioritization sa vaccination program na binabase sa dami ng mga naitatalang COVID-19 cases ng isang lugar.

Nasa 200,000 o mahigit sa 20% na ng mga guro ang nabakunahan kontra covid19 na karamihan ay mula sa NCR as of July 31 ayon pa sa opisyal.

Kamakailan lamang ng inihayag ng international organizations na WHO at UNICEF na dapat isama sa target population group na mabakunahan ang mga guro at mga school personnel sa national vaccination plan ng mga bansa.