-- Advertisements --

Aabot na sa mahigit 3.5 million estudyante ang nagparehistro para sa pasukan ngayong taon base sa latest data na inilabas ng Department of Education (DepEd).

Nakasaad sa Early Registration Monitoring Report ng DepEd na hanggang noong Abril 27 mayroon nang 3,514,550 estudyante sa buong bansa sa Kindergarten, Grade 1, Grade 7, at Grade 11 ang nakapagparehistro ng maaga para sa School Year 2021-2022.

Pinakamaraming nagparehistro ng maaga ay naitala sa Region VII na mayroong 353,399 estudyante; Calabarzon na mayroong 351,882 mag-aaral, at Region VI na mayroon namang 268,422 estudyante.

Sinabi ng kagawaran na tanging ang mga incoming learners sa Kindergarten, Grade 1, Grade 7, at Grade 11 ang nakasama sa listahan para sa early registration.

Ang mga mag-aaral kasi sa Grades 2 hanggang 8, at 8 hanggang 10, pati na rin ang sa Grade 12 ay kinukonsidera nang “pre-registered” kaya hindi na kailangan na makibahagi ang mga ito sa maagang pagpapatala.