Amindao ang Second Congressional Commission on Education (EDCOM2) na dapat pang laliman ang seguridad sa mga paaralan upang maprotektahan ang mga estudyante.
Kasunod ng panibagong pamamaril sa isang eskwelahan sa Zamboanga City, sinabi ng komisyon na ang mga nangyaring kaguluhan sa mga eskwelahan ay isang ‘reminder’ upang agarang kumilos ang pamahalaan para maprotektahan ang mga mag-aaral sa habang nag-aaral.
Umapela rin ang EDCOM2 ng agarang suporta at psychological first aid para sa mga apektadong komunidad, kaakibat ng agarang policy reforms para sa kapakanan ng lahat ng mga estudyante sa buong bansa.
Binalikan din ng komisyon ang mga naganap na karahasan bago ang Zamboanga school shooting ngayong araw.
Kabilang dito ang Tacloban City shooting noong June 22, Bacolod City stabbing incident noong July 1, Cavite City stabbing noong huling bahagi ng June, at general Trial City stabbing incident noong June 16.
















