-- Advertisements --

Plano ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na i-digitalize at bawasan ang proseso ng pagbibigay ng permit sa pagmimina.

Ang nasabing hakbang ay para samantalahin ang tumaas na demand ng nickel.

Mahalaga aniya na paigtingin ng bansa ang kapasidad at pagproseso ng mga nickel na siyang pangunahing sangkap sa paggawa ng mga baterya at stainless steel.

Dagdag naman ni DENR Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga na noong nakaraang taon lamang ay kumita ang bansa ng P160-B sa paggawa ng copper at nickel.