-- Advertisements --

Tinanggalan ni Queen Margrethe ng Denmark ng royal titles ang apat sa walong apo nito.

Sinabi ng 82-anyos na monarch queen ng Denmark na sa susunod na taon ang mga apo nito mula sa nakakabatang anak niya na si Prince Joachim ay hindi na kikilalanin bilang prince at princess.

Ang dahilan aniya nito ay para mabuhay ng normal ang mga junior royals.

Isa rin aniya itong pagsunod sa desisyon ng royal families na bawasan ang monarkiya.

Kabilang ito sa ipinatupad ng royal queen na mga pagbabago sa Danish royal houses.

Si Joachim na pangalawang anak ng reyna ay naninirahan sa Paris kasama ang asawang si Princes Marie at dalawang anak nila na si Henrik na 13 anyos at Athena na 10 anyos.

May dalawa na rin itong naunang anak mula sa dating asawa na si Alexandria at sila ay sina Nikolai, 23-anyos at 20-anyos na si Felix.

Mananatili ang anak ni Joachim sa kanilang puwest base na rin sa order of succession.

Ang nakakatandang kapatid ni Joachim na si Crown Prince Frederik ay siyang una sa linya na susunod sa trono at ang panganay na anak nito na si Prince Christian ay second in line habang nanantili naman ang titulo ng apat na anak ni Frederik.