-- Advertisements --

Nagtala ng kasaysayan ang Chicago Bulls star na si DeMar DeRozan matapos na magposte siya ng 38 points upang talunin ang Sacramento Kings, 125-118.

Dahil dito binasag din ni DeRozan ang NBA record na naunang naitala ng Hall of Famer at legend na si Wilt Chamberlain.

Si DeRozan kasi ang unang player sa NBA history na umiskor ng 35 points o mahigit pa ng pitong sunod-sunod na laro.

Noong panahon ni Chamberlain noong dekada saisenta, nagawa lamang niya ito ng anim na sunod-sunod.

Hindi lamang ito ang milestone ni DeRozan, dahil sa walong games din na sunod-sunod ay umiskor siya ng 30 puntos o higit pa.

Sinasabing ito ang longest streak ng isang player sa koponan ng Chicago mula noong panahon ng NBA great na si Michael Jordan na nagtala naman ng record noong January 1996.

Ang ika-38 panalo ng Bulls ay naglagay sa kanilang puwesto upang mapalit pa bilang top team sa Eastern Conference.