-- Advertisements --

Naglunsad ngayon ang Department of Trade and Industry (DTI) ng e-commerce platform na tinawag nilang DELIVER-e.

Layunin nitong direktang maihatid sa consumer ang mga sariwang gulay, prutas at iba pang agricultural products sa pamamagitan ng online transactions.

Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez, layunin nitong matulungan ang mga magsasaka at maliliit ba negosyante sa pamamagitan ng internet-based transactions.

Ang paglulunsad ng proyekto ay magkatuwang na ginawa ng DTI, Department of Agriculture (DA) at USAID.

Aabot sa 260 metric tons ng gulay at prutas, na may katumbas na halagang P7.15 million.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa tanggapan ng DTI o kaya sa kanilang official social media accounts.