-- Advertisements --

Natapos lamang loob ng 28 minuto ang deliberasyon ng mga mambabatas sa House of Representatives sa proposed budget ng Office of the President (OP).

Sa pagsisimula pa lamang kasi ng hearing ay iminungkahi kaagad ni Pangasinan 6th district Rep. Tyrone Agabas na i-terminate ang deliberasyon ng proposed budget ng OP.

Sinabi nito na isa ng matagal na tradisyon ang pagbibigay ng kortesiya sa co-equal branch of government.

Nag-object sina Kabataan Partylist Rep. Sarah Jane Elago subalit hindi ito kinilala sa kadahilanan na hindi siya miyembro ng appropriations committee.

Ilang mga mambabatas ang nag-object subalit tiniyak ni Appropriations Committee chair Eric Yap na mabibigyan ng tsansa ang mga mambabatas na mag-interpellate sa plenaryo.

Noong nakaraang taon kasi ay umabot lamang sa ilang minuto ang deliberasyon ng proposed budget ng OP.

Sa taong 2019 ay nagtagal lamang ng anim na minuto habang noong 2018 ay wala pang 10 minuto ng maapruba ang nasabing budget ng Office of the President.