Nanawagan si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa mga kalaban ng pamahalaan na tigilan na ang pagpapakalat ng fake news sa panahon na kinakailangang magkaisa ang bansa.
Ginawa ng kalihim ang panawagan matapos na kumalat sa social media ang balita na umano’y may grupo ng Viber 500 na binubuo ng mga aktibo at retiradong opisyal ng militar na binawi ang kanilang suporta sa Pangulo.

Mariin namang itinanggi ni Lorenzana na kasama siya sa mga retiradong opisyal na kabilang sa sinasabing grupo.
Giit ni Lorenzana, kailanman ay hindi siya magiging bahagi ng naturang grupo, at maging ang kanyang mga kasamahan sa DND na dating militar.
Sinasabi ng grupo na dismayado raw sila pamamahala ng pangulo isyu ng pang-aagaw ng China sa teritoryo ng bansa sa West Pilippine Sea.
Ayon pa kay Lorenzana, ang ganitong uri ng dis-impormasyon ay panggugulo lang mula sa mga taong hindi lubusang nauunawaan ang isyu.
















