-- Advertisements --

Nabasag ng American na si Joey Chesnut ang kaniyang record noong nakaraang taon sa pinakamaraming nakain na hot dogs sa taunang Nathan’s Famous International Hot Dog Eating Contest.

Umabot kasi sa 76 na hotdogs ang naubus nito sa loob ng 10 minuto.

Ito an ang 14 na beses na pagsali ni Chesnut sa loob ng 15 taon kung saan pumangalawa sa kaniya si Geoffrey Esper na nakakain ng 50 hotdog.

Noong nakaraang taon kasi ay umabot lamang sa 75 na hotdog ang kaniyang nakain kung saan ginanap ang contest sa isang pribadong lugar dahil sa banta ng COVID-19.

Ginaganap ito tuwing fourt of July sa harap ng mga manonood sa Coney Island.

Nakuha naman ni Michelle Lesco ang pambabae na category kung saan nakaubos ito ng 30 at 3/4 a hotdog sa loob ng 10 minuto.

Hindi naman sumali ngayon taon si Miko Sudo dahil sa ito ay buntis.

Unang isinagawa ang contest noong July 4, 1916 kung saan maraming mga dumarayo para makakain ng hotdog sa Nathan’s stand sa Coney Island at unang nai-record lamang ang nasabing contest noong 1972.