-- Advertisements --

Susubukang tapusin ngayong araw ang debate sa Senado ukol sa ilang amyenda sa Anti-Terrorism Law.

Ito kasi ang inaasahang pamalit sa ipinatutupad na martial law sa Mindanao, kapag natanggal na ang pag-iral nito sa pagpasok ng Enero 2020.

Sa nais na amyenda ni Sen. Panfilo Lacson, mas mahigpit at mas malawak ang sasakupin ng batas laban sa mga terorista.

Mula sa monitoring hanggang sa bigat ng parusa ay sakop nito kapag naging ganap na batas na.

Pero naging mainit ang diskusyon nina Lacson at Senate Minority Leader Franklin Drilon hinggil sa suspected terrorist na may kaso sa ibang bansa ngunit sa Pilipinas nahuli.

Naging isyu kasi rito ang kustudiya, lalo’t marami nang foreign terrorists ang nadakip dito sa mga nakalipas na panahon.