Nadagdagan pa ng isa ang bilang ng nasawi sa nagdaang lindol na tumama sa lalawigan ng Abra at iba pang parte ng Luzon mahigit isang linggo ang nakalipas.
Base sa latest situation report mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mula sa 10 umakyat na ito sa 11 ang nasawi dahil sa lindol.
Ang pang-11 nasawi ay isang 59-anyos na lalaki mula sa Tubo, Abra na nagtamo ng brain injury dahil sa gumuhong bubongan na gawa sa kawayan na may nakaibabaw na sako ng lupa.
Nauna ng iniulat ng NDRRMC na ang 10 nasawi ay mula sa Cordillera Administrative Region habang ang isa naman ay mula sa Ilocos region.
Pumalo na din sa 410 katao ang kabuuang bilang ng nasugatan sa nagdaang lindol.
Samantala, iniulat naman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nasa kabuuang 2,650 aftershocks na ang naitala base sa datos ngayong araw, August 5.
Home Nation
Death toll sa magnitude 7 na lindol na tumama sa Abra, umakyat na sa 11 – NDRRMC
-- Advertisements --