-- Advertisements --
RUSSIAN AIRSTRIKE

Sumampa pa sa 26 katao kabilang ang limang inosenteng mga bata sa nasawi sa inilunsad na panibagong air strike ng Russia sa mga kabisera ng Ukraine.

Kabilang sa panibagong deadly attack na ito ng Russia ay tumama sa residential buildings sa makasaysayang kabisera sa Uman sa central Ukraine.

Narekober ng rescue workers ang bangkay ng isa pang batang lalaki mula sa gumuhong mga gusali nitong gabi ng Biyernes.

Nagpapatuloy naman ang paghahanap ng rescuers sa mga survivor mula sa multi-storey housing block sa Uman na tahanan ng nasa 80,000 mamamayan.

Wala namang naitalang casualties sa Kyiv, capital ng Ukraine na isa sa mga target sa air strike ng Russia.

Sa kabuuan ayona sa Ukraine officials, nasa 21 mula sa 23 missiles ng Russia at dalawang drone attacks ang napabagsak ng kanilang air defense system.

Kinondena naman ni Ukraine President Volodymyr Zelensky ang panibagong deadly attack ng Russia at nangakong gaganti ito.