-- Advertisements --

Ipinasa-diyos na lamang ni dating Senador Leila De Lima ang mga atake at paninira sa kaniya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi nito na pinag-uusapan pa ng kaniyang mga abogado ang maaring maisampa laban sa nakaraang administrasyon na siyang dahilan kung bakit ito nakulong.

Sa ngayon aniya ay nanamnamin niya muna ang pagiging malaya at ayaw niya munang pag-usapan ang pulitika.

Magugunitang pinayagan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 ang motion for reconsideration na siya ay makapagpiyansa.

Naging kritiko kasi ang dating senador ng dating Pangulong Duterte sa kampanya nito sa iligal na droga kung saan marami ang nasawi.

Taong 2017 na maaresto ang dating senador matapos na akusahan siya ni Duterte ng pagpapatakbo ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.