-- Advertisements --

Tiniyak ng gobyerno na kaya nilang maabot ang infrastructure spending program ngayong taon.

Nagtala kasi ng mababang target ang infra spending program ng gobyerno noong katapusan ng Setyembre.

Sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na nagkaroon ng pagbagal ng spending sa unang anim na buwan ng taon dahil sa national elections.

Wala na aniyang magiging aberya dito dahil sa nailabas na ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga pondo.

Base kasi sa datus na noong katapusan ng Setyembre ay tumaas ng 13.4 percent ang infrastructure expenses ng P727.7 billion mula sa dating P641.5-B sa parehas na buwan noong 2021.

Kahit na tumaas ay mababa pa rin ng apat na porsyento sa P758.9 bilyon na inilaan na target ng gobyerno.

Itinaas kasi sa P1.2 trillion ang total na infrastructure spending program ngayong taon na mas mataas ng pitong porsyento mula sa 2021 na mayroon lamang P1.12 trillion.