-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Department of Budget and Management (DBM) na kanilang inaprubrahan na ang 10,000 na non-teaching positions para sa Department of Education (DepEd).

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang hakbang ay magbibigay ng suporta sa mga guro.

Paglilinaw nito na ito ay bukod pa sa naunang 16,000 na bagong teaching position na kanilang inaprubahan noong nakaraang linggo.

Dagdag pa nito na ang inaprubahang posisyon ay itatalaga bilang Administrative Officer II na may salary grade 11 at ito ay ipapakalat sa mga elementary schools, junior high schools at senior high schools sa buong bansa.

Nais kasi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na magkaaroon ng dagdag na non-teaching personnel para mabawasan ang load ng mga guro at makapag-focus sila sa kanilang pagtuturo.