Lumalabas na walang maayos na koordinasyon at sistema ang Department of Health (DoH), Department of Budget and Management (DBM) at Department of Labor and Employment (DOLE) kaya bigo pa ring maibigay ang nararapat na ayuda sa mga pamilya ng nasawing health workers.
Sa privilege speech ni Senate committee on health and demography chairman Sen. Christopher “Bong” Go, hindi nito napigilang ilabas ang pagkadismaya sa tatlong ahensyang may obligasyon para tulungan ang mga nagkasakit at nasawing frontliners.
Giit ni Go, malinaw sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat aksyunan ang anumang concern na sakop ng departamento sa lalong madaling panahon.
Tiniyak din nina Sens. Panfilo Lacson at Sonny Angara na hindi rin nila lulubayan ang isyung ito na unang lumitaw sa Senado, hangga’t hindi naibibigay sa pamilya ng frontliners ang tulong na nararapat sa kanila.