-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Sinampahan na ng kaso ang isang dayuhan na nagwala sa isolation facility sa Kidapawan City.

Nakilala ang suspek na si Gonzales de Langarica Moriño, 74-anyos,taga-Barcelona, Spain at temporayo na nakatira sa Quirino Drive Brgy Poblacion Kidapawan City.

Ayon kay Kidapawan City Chief of Police,Lieutenant Colonel Rammel Hojilla na tumanggap sila ng tawag sa telepono sa iyang dayuhan na naka-quarantine at nagwala sa loob ng Apo Summit Isolation facility ang nag-wild.

Sinisira umano ni Moriño ang mga kagamitan sa isolation facility dahil nababagot na ito at gustong lumabas.

Kinuha ng mga pulis ang dayuhan at dinala sa custodial facility.

Sa ngayon ay nakipag-ugnayan na ang Kidapawan City PNP sa Bureau of Immigration para ideport ang dayuhan.