-- Advertisements --

Siniguro ni House Deputy Majority Leader Zia Alonto Adiong na walang pork barrel sa panukalang 2026 National Budget.
Giit ni Adiong, masusing binusisi ang bawat line item sa budget.
Hindi rin aniya totoo ang paratang ng ilang civil society organizations na mayroong mahigit ₱230 billion na pork barrel sa pambansang budget para sa susunod na taon sa pamamagitan ng mga ayuda program.
Aniya mayroong ngang inilaang halaga ang Budget Amendments Review Sub-Committee (BARSC) sa mga programa tulad ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).
Ngunit lahat ng ito ay naka-itemize.
Kailangan din aniyang panatilihin ang mga social service programs gaya nito lalo na sa mga panahon ng kalamidad.