Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang bagong administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang dating television host na si Arnell Ignacio.
Matatandaang dati nang naging bahagi ng OWWA si Ignacio bilang deputy executive director at deputy administrator mula 2018 hanggang 2019.
Papalitan niya ang dating pinuno ng tanggapan na si Hans Leo Cacdac.
Para kay Ignacio, nagulat siya nang malaman ang pagkakapili sa kaniya ni Pangulong Marcos para pamunuan ang OWWA.
“Reading the news… Buffering ako, halos hindi ako makapaniwala,” wika ni Ignacio.
Bago pa man naging bahagi ng OWWA, nanilbihan na rin siya bilang assistant vice president for Community Relation and Services Department ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).