-- Advertisements --
Kinumpirma ni Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon ang pagpanaw ng kaniyang amang si dating Sen. Rodolfo Biazon sa edad na 88 taong gulang.
Ang nakatatandang Biazon ay dating Armer Forces Chief of Staff, miyembro ng Philippine Senate at House of Representatives.
Nabatid na binawian ito ng buhay kaninang bandang alas-8:30 ng umaga.
Siya ay na-diagnose na may kanser sa baga noong Hulyo ng 2022 at sumailalim sa mahabang gamutan.
Pero habang sumasailalim sa mga proseso, nakakuha naman ito ng pulmonya nang dalawang beses, ang pangalawa ay mas malubha kaysa sa una na nagpapahina sa kaniyang mga baga.
Sinabi naman ni Mayor Ruffy na maglalabas na lamang sila ng susunod na abiso para sa magiging burol at libing ni dating Sen. Biazon.